KUNG AKIN ANG MUNDO

Erik Santos

Letra de la canción

Kung ako ang may-ari ng mundo
Ibibigay ang lahat ng gusto mo
Araw-araw pasisikatin ang araw
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling
Na sana'y maging akin
Puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang
Kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo

Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido
Hindi na luluha ang 'yong mga mata
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi
Para sa'yo, para sa'yo

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling
Na sana'y maging akin
Puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang
Kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo
fuente: musica.com

Valora la calidad de la letra

Compartir 'Kung Akin Ang Mundo'

compartir en facebook
compartir en google plus
compartir en twitter
Enviar letra a un mail
Imprimir letra
ir a arriba